Monday, December 2, 2013

Age doesn't matter

" age doesnt matter " yan yung mga kasabihan ng mga tao na nagkakagusto sa mas matanda sa knila o mas bata nmn sa knila. Hindi naman masama ang magmahal ng mas bata o mas matanda sayo as long as mahal ka nya at mahal mo sya. Pero bakit maraming tutol sa ganitong pag iibigan siguro naiisip nila hindi mag wowork ang ganitong relasyon dahil siguro may mga bagay na hindi maintindihan ng isa .. sa edad plang nila mag kaiba pati yung mga bagay na napagdaanan nila ay magkaiba din. Marami ang nag kakahiwalay na magkarelasyon sa dahilan na hindi masakyan ang trip ng isa yung isa, pero talaga bang mahalaga yung edad pag nagmahal ka ?. Sa panahong ito marami ang mapanghusga pati buhay ng may buhay pinakikialaman nila hindi nila alam nakakasakit na sila, pero wala naman sila magagawa kung mas matanda yung isa sa isa o mas bata dahil hindi naman porket bata ka hindi ka marunong magmahal at hindi porket matanda ka marunong kang magmahal. Hindi naman dahilan ang edad para ang isang relasyon ay mag work. Nasa tao na yun kung paano nila patatagalin at patitibayin ang kanilang relasyon. Para sakin ang kasabihan na " Age Doesnt matter " ay totoo dahil hindi mo naman nasusukat ang pag mamahal ng isang tao base sa kanilang edad. Meron ngang mga magkarelasyon na magka edad nga pero hindi nmn tumatagal. Kaya para sakin hindi hadlang ang edad. Tsaka kung mahal nyo naman ang isat isa hindi kayo papayag na may humadlang sa inyong pagmamahalan, tsaka kung mahal nyo tlg ang isat isa hindi kayo magpapadala sa mga sinasabi ng iba.

First and Last

Ikaw ba ay " NBSB "( no boyfriend since birth) or " NGSB " ( no girlfirend since birth )? Tapos bigla ka nagkaroon ng BF o GF gusto nyo ba first and last na yung una nyong GF or BF? Ang saya diba kasi alm mong may isang tao na mahal mo at mahal ka. Masasabi mo nalang sa sarili mo " sa wakas may GF/BF na ako. Ang sarap sa pakiramdam kasi alam mo na may nag aalala sayo, nagmamahal sayo,  first date, first holding hands, first kiss(pag bata pa wag muna mag kiss :D). Pero tama bang sabihin o isipin na " First and Last GF/BF ko na sya " ?. Marami kasi ang nabibigla sa mga salitang binibitawan nila. Yung iba sasabihin na " ikaw lang hanggang mamatay ako " " First and Last na kita " pero hindi nmn nila napapanindigan. Masyado kasing makapangyarihan ang mga salita tumatatak ito sa taong pinag sasabihan mo nito kaya ingat sa mga salitang bibitawan nyo. Para sakin 50 50 ang opinion ko kasi ang mga salitang " First and Last " ay mabigat ..ibig sabihin handa mo syang ipaglaban at pakasalan. 50% ako na sang ayon na sabihin yung First and Last ksi kung tlgang natagpuan mo na at naramdaman mo na sya na tlg ang magpapasaya sayo habang buhay ok lang na sabihin mo na first and last na sya. Yung 50% naman ay hindi ako sang ayon lalo na kung ang magkarelasyon ay nsa teenage stage pa. Kasi madami pa silang kailangan malaman o natutunan para msabi nila na first and last. Ang payo ko lang sa mga first timers na nagkaroon ng GF/BF wag nyong madaliin yung sarili nyo na mag settle down agad kasi madami pa kayong makikilala. Just enjoy your company with each other, go with the flow lang kasi kung kayo nmn talaga para sa isat isa gagawa at gagawa ng paraan ang panahon na magkatuluyan kayo kahit ano pa yang mangyari sa inyo kung kayo kayo. Pero kung hindi talaga kayo tanggapin nyo ito ng maluwag sa inyong damdamin siguro may makikilala pa kayong mas mag mamahal sa inyo at mas tatanggap sa inyo.