Friday, February 21, 2014

Fake Smile

Behind my smile is a hurting heart. Behind my laugh, I'm falling apart. Look closely at me and you will see, the girl I am...isn't me. 

Behind my smile is everything you'll never understand. 

Have you ever felt so alone and nothing makes sense? Well that's how I feel right now...I feel like I'm facing everything myself, with nothing but tears and a fake smile... 

When I cry at night, the only thing I can think to myself is...how can I seem so---perfectly fine in the morning. Why do I smile like nothing is wrong? And how does not one single person notice that I'm not okay? 

I don't know what I want in life. I don't know what I want right now. All I know is that I'm hurting so much inside that it's eating me, and one day, there won't be any more of me left. Everything that ever cause a tear to trickle down my cheeks, I run away and hide from it. But now, everything is unwinding and finding its way back towards me. And I don't know what to do. I just know that the pain I felt so long ago, it's hurting ten times more. 

Teardrops slowly fall from my eyes as I look to the sky, and I question how come life keeps passing me right on by. I just wonder why I can't escape, is this my fate? To always be unhappy and how much longer must I wait... 

I wanna get lost from my life sometimes, sit on the side and watch the world go by, I wanna get lost and I don't know why. -Everclear- 

Every morning you get up and put on a fake smile...but what if one morning you didn't? Would anyone notice? 

You know sometimes, like when someone dies, and you're sad, and it's ok to be sad? But then there are times when you're supposed to be happy but you're sad anyway...and those times are even worse than the times when you're supposed to be sad. 

Credits to the owner.

Monday, December 2, 2013

Age doesn't matter

" age doesnt matter " yan yung mga kasabihan ng mga tao na nagkakagusto sa mas matanda sa knila o mas bata nmn sa knila. Hindi naman masama ang magmahal ng mas bata o mas matanda sayo as long as mahal ka nya at mahal mo sya. Pero bakit maraming tutol sa ganitong pag iibigan siguro naiisip nila hindi mag wowork ang ganitong relasyon dahil siguro may mga bagay na hindi maintindihan ng isa .. sa edad plang nila mag kaiba pati yung mga bagay na napagdaanan nila ay magkaiba din. Marami ang nag kakahiwalay na magkarelasyon sa dahilan na hindi masakyan ang trip ng isa yung isa, pero talaga bang mahalaga yung edad pag nagmahal ka ?. Sa panahong ito marami ang mapanghusga pati buhay ng may buhay pinakikialaman nila hindi nila alam nakakasakit na sila, pero wala naman sila magagawa kung mas matanda yung isa sa isa o mas bata dahil hindi naman porket bata ka hindi ka marunong magmahal at hindi porket matanda ka marunong kang magmahal. Hindi naman dahilan ang edad para ang isang relasyon ay mag work. Nasa tao na yun kung paano nila patatagalin at patitibayin ang kanilang relasyon. Para sakin ang kasabihan na " Age Doesnt matter " ay totoo dahil hindi mo naman nasusukat ang pag mamahal ng isang tao base sa kanilang edad. Meron ngang mga magkarelasyon na magka edad nga pero hindi nmn tumatagal. Kaya para sakin hindi hadlang ang edad. Tsaka kung mahal nyo naman ang isat isa hindi kayo papayag na may humadlang sa inyong pagmamahalan, tsaka kung mahal nyo tlg ang isat isa hindi kayo magpapadala sa mga sinasabi ng iba.

First and Last

Ikaw ba ay " NBSB "( no boyfriend since birth) or " NGSB " ( no girlfirend since birth )? Tapos bigla ka nagkaroon ng BF o GF gusto nyo ba first and last na yung una nyong GF or BF? Ang saya diba kasi alm mong may isang tao na mahal mo at mahal ka. Masasabi mo nalang sa sarili mo " sa wakas may GF/BF na ako. Ang sarap sa pakiramdam kasi alam mo na may nag aalala sayo, nagmamahal sayo,  first date, first holding hands, first kiss(pag bata pa wag muna mag kiss :D). Pero tama bang sabihin o isipin na " First and Last GF/BF ko na sya " ?. Marami kasi ang nabibigla sa mga salitang binibitawan nila. Yung iba sasabihin na " ikaw lang hanggang mamatay ako " " First and Last na kita " pero hindi nmn nila napapanindigan. Masyado kasing makapangyarihan ang mga salita tumatatak ito sa taong pinag sasabihan mo nito kaya ingat sa mga salitang bibitawan nyo. Para sakin 50 50 ang opinion ko kasi ang mga salitang " First and Last " ay mabigat ..ibig sabihin handa mo syang ipaglaban at pakasalan. 50% ako na sang ayon na sabihin yung First and Last ksi kung tlgang natagpuan mo na at naramdaman mo na sya na tlg ang magpapasaya sayo habang buhay ok lang na sabihin mo na first and last na sya. Yung 50% naman ay hindi ako sang ayon lalo na kung ang magkarelasyon ay nsa teenage stage pa. Kasi madami pa silang kailangan malaman o natutunan para msabi nila na first and last. Ang payo ko lang sa mga first timers na nagkaroon ng GF/BF wag nyong madaliin yung sarili nyo na mag settle down agad kasi madami pa kayong makikilala. Just enjoy your company with each other, go with the flow lang kasi kung kayo nmn talaga para sa isat isa gagawa at gagawa ng paraan ang panahon na magkatuluyan kayo kahit ano pa yang mangyari sa inyo kung kayo kayo. Pero kung hindi talaga kayo tanggapin nyo ito ng maluwag sa inyong damdamin siguro may makikilala pa kayong mas mag mamahal sa inyo at mas tatanggap sa inyo. 

Saturday, November 30, 2013

Napag iwanan

Ang sarap magmahal noh? ang sarap din mahalin? pero paano kung sa mga kaibigan mo napag iwanan ka na? Yung dating niloloko nyo ng " AHHH!! BASTED " ay ngayon ang mayroong GF na. Nakakatawang isipin na dati kayo ang nang iinis ngayon kayo na ang iniinis. Sa kabilang banda nakakainggit din kasi buti pa sya meron na samantala ako wala parin. Naniniwala ako sa kasabihang lahat ng tao ay may nakalaan na taong mamahalin mo at mamahalin ka. Nakakainggit sa tuwing nakatambay kayo sa bahay ng kaibigan nyo lagi nyo nlang nkikita yung kaibigan nyo nakaakbay sa gf nya o di kaya ang sweet sweet nila holding hands pa. Yun yung mga bagay na nakakainggit. Ewan ko ba kung bkit ako naiingit, alam ko nmn masama ang maiingit pero bakit nararamdaman ko parin?. Minsan nga iniisip ko nalang siguro may kailangan pa akong matutunan kya hindi ko pa mahanap ang babaeng para sakin. Hindi nmn ako nagmamadali eh. Kung may magmahal sakin thank you, pag wala thank you din. Di ako desperado na magkaroon ng karelasyon, kung wala tlgang magmamahal sakin ok lang din ksi tanggap ko nmn yun. Hindi ako takot na tumandang binata, naniniwala ksi ako na ang pagmamahal ay hindi hinahanap kusa nlang itong mararamdaman at pag naramdaman ito wag ng sayangin ang pagkakataon dahil minsan lang dumating ang mga bagay na ito at para hindi ito pag sisihan sa huli.

First day of School

First day of school .. may baon na ulit. yes!!! sleepless nights, full of projects and assignments pero ok lang kasi makikita ko nanaman si crush .. ilang lang yan sa mga salitang binabanggit ng mga estudyante kapag nalalapit na ang unang araw ng pasukan. Isa rin ako sa mga nag sasabi ng mga salitang ito. Ngayon ay ibabahagi ko ang aking karanasan ngayong nakalipas na unang araw ng pasukan. Bago pa lamang mag pasukan meron ako nakilala na isang babae sa FB page ng school namin na para sa estudyante. Nagpost sya tapos ayun!!! nag hahanap sya ng ka course nya at dahil sinuswerte ako kagaya ko sya ng course pero sya 1st year ako naman 3rd year na. So ayun sinagot ko naman yung tanong nya at dali dali ko syang inad as a friend at inaccept naman nya. Nag ka chat kami hanggang dumating na ang unang araw ng pasukan. Unang ko syang hinanap sa school at nakita ko naman sya pero sa totoo lang ayoko na makita nya ako kasi nahihiya ako. ang aming course ay nagkaroon ng assembly parang meeting yun ng buong department namin. Kinakabahan ako ng araw na yun kasi makikita na nya ako at ang unang activity ay magpapakilala at dapat daw sa hindi ka year level.Sabi ko sa sarili ko wala naman mangyayari kung mahihiya lang ako at mag papanggap na hindi ko sya kilala kaya ayun nagpakilala na ako at nagpakilala na sya. lagi na pala nya ako nakikita at mas naging maganda pa ang araw na yun dahil kami ay mag kagrupo sa mga activities na nangyari ng araw na yun. Ngayon ay nag babatian na kami pag nagkaka salubong kami sa school.  

Wednesday, November 20, 2013

Tanggalin ang Hiya

Pano nga ba sabihin sa isang babae na mahal mo sya ? Napakahirap kasi sabihin sa babae ang mga salitang " mahal kita " o " Gusto kita " lalo na kung ang lalaki ay torpe. Kaya karamihan sa text nalang sinasabi. pero diba mas ramdam at mas seryoso pakinggan kung sa personal. Pano nga ba matatanggal ang mga hiya ng isang lalaki magbibigay ako ng ilang tips kung pano natanggal ang hiya ng isang lalaki sa babaeng mahal nila o gusto nila    1. Magpaka totoo ka lang sarili mo dahil ito ay napakahalaga sa isang babae kasi dito makikita ng isang babae kung totoo ang mga sinasabi ng isang lalaki o hindi.    2. Wag magpanggap. karamihan kasi ng lalaki ngayon ay magaling lang sa salita pero kulang naman sa gawa. Mas maganda na ipakita na lahat sa unang pagkikita kaysa naman mag panggap. madidisappoint lang ang babae pag nalaman nya ang tunay mong ugali.   3. Mag practice. paractice makes perfect nga dba, edi mag practice ka sa salamin. Kunwari kaharap mo na sya at sasabihin mo na yung mga dapat mong sabihin para pag nasa totoong sitwasyon ka na praktisado ka na.   4. at ang huli wag ka na mahiya. utang na loob naman WALANG MANGYAYARI kung tatanga ka lang at habang buhay na mahihiya. go for it baka maunahan ka pa ng iba tapos pag naagaw iiyak iyak ka dyan . iyak tawa. Kaya habang may panahon ka pa kausapin mo na ynag mahal mong babae ata sabihin sa kanya kung gano mo sya kamahal malay mo hinihintay ka lang nya.

Sunday, November 17, 2013

Friendship or Love

ang sarap nga naman ng feeling na may gusto ka tao yung tipong gusto mo lagi mo sayng nakikita, nakakausap nakakachat. Tapos kapag papalapit na sya sayo parang gusto mo bumagal ang oras para tumagal ang pag tingin mo sa kanya. Ang sarap mainlove no!!!. Sabi nga nila bigla nalang dumadating ang pag ibig hindi mo alam kung paano kailan o sino ang mamahalin mo pero paano kung mainlove ka sa close friend mo ?. Napakahirap ng ganung pakiramdam madami kang kailangan isakripisyo at ang pinaka mahirap isakripisyo ay ang " FRIENDSHIP ". Napaka hirap isakripisyo ng friendship dahil kapag ang friendship kasi ang nawala ang hirap na ibalik. Ano ba talaga ng mas mahalaga ang friendship o ang love?. Isa ito sa mga tanong ng mga taong umiibig, napakahirap sagutin ng tanong na yan dahil ang tanong na yan ay nakadepende parin sa tao. Ako mismo sa mga oras na ito ay nagtatanong sa isip ko kung ano nga ba ang mas mahalaga. Meron kasi akong kaibigan laging nakakachat, nakakausap, nakakatext basta kapag nagkikita kami nag babatian kami at habang lumilipas ang araw mas lalo akong napapamahal sa kanya. Kahit na hindi kami mag ka year iba parin ang nararamdaman ko sa kanya. Nagtanong nga yung isa naming prof sa major subj kung sino daw ang gusto ko ligawan/ may nililigawan na daw ba ako agad kong sinabi ang  pangalan ng kaibigan ko. at tinanong nila ako bakit daw di ko pa ligawan ang sabi ko . " NATATAKOT AKO BAKA MAWALA YUNG FRIENDSHIP " . Ako mismo ay nakakaramdam ng takot na bka mwala yung kung ano meron kami ngayon. Pero merong sinabi sakin ang aking bestfriend na hindi makakalimutan " KUNG LAGI MONG IISIPIN ANG FRIENDSHIP SASAYA KA PA KAYA? " tumatak ang mga salitang ito sakin at napaisip ako na bakit di nga subukan na ligawan yung girl. at dahil dun narealized ko na dapat matuto din akong maging risk taker. May mga bagay sa mundo na dapat mong  harapin ng walang takot dahil sa huli kung ito ay mapag tagumpayan mo ito ay magdudulot ng kasiyahan sayo.