Sunday, November 17, 2013
Friendship or Love
ang sarap nga naman ng feeling na may gusto ka tao yung tipong gusto mo lagi mo sayng nakikita, nakakausap nakakachat. Tapos kapag papalapit na sya sayo parang gusto mo bumagal ang oras para tumagal ang pag tingin mo sa kanya. Ang sarap mainlove no!!!. Sabi nga nila bigla nalang dumadating ang pag ibig hindi mo alam kung paano kailan o sino ang mamahalin mo pero paano kung mainlove ka sa close friend mo ?. Napakahirap ng ganung pakiramdam madami kang kailangan isakripisyo at ang pinaka mahirap isakripisyo ay ang " FRIENDSHIP ". Napaka hirap isakripisyo ng friendship dahil kapag ang friendship kasi ang nawala ang hirap na ibalik. Ano ba talaga ng mas mahalaga ang friendship o ang love?. Isa ito sa mga tanong ng mga taong umiibig, napakahirap sagutin ng tanong na yan dahil ang tanong na yan ay nakadepende parin sa tao. Ako mismo sa mga oras na ito ay nagtatanong sa isip ko kung ano nga ba ang mas mahalaga. Meron kasi akong kaibigan laging nakakachat, nakakausap, nakakatext basta kapag nagkikita kami nag babatian kami at habang lumilipas ang araw mas lalo akong napapamahal sa kanya. Kahit na hindi kami mag ka year iba parin ang nararamdaman ko sa kanya. Nagtanong nga yung isa naming prof sa major subj kung sino daw ang gusto ko ligawan/ may nililigawan na daw ba ako agad kong sinabi ang pangalan ng kaibigan ko. at tinanong nila ako bakit daw di ko pa ligawan ang sabi ko . " NATATAKOT AKO BAKA MAWALA YUNG FRIENDSHIP " . Ako mismo ay nakakaramdam ng takot na bka mwala yung kung ano meron kami ngayon. Pero merong sinabi sakin ang aking bestfriend na hindi makakalimutan " KUNG LAGI MONG IISIPIN ANG FRIENDSHIP SASAYA KA PA KAYA? " tumatak ang mga salitang ito sakin at napaisip ako na bakit di nga subukan na ligawan yung girl. at dahil dun narealized ko na dapat matuto din akong maging risk taker. May mga bagay sa mundo na dapat mong harapin ng walang takot dahil sa huli kung ito ay mapag tagumpayan mo ito ay magdudulot ng kasiyahan sayo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment