Sunday, November 17, 2013

Sorry, mahal kita

sorry kung lagi akong papansin. sorry kung lagi akong nakakairita. sorry kung lagi akong mukhang tanga. sorry kung inaasar ka ng classmates mo sakin. sorry kung lagi kang inaasar ng mga classmates ko na may gusto daw ako sayo. sorry talaga di ko naman sinasadya na ganun ang mangyari. di ko kasi mapigilan yung mga classmates ko sa pang aasar sakin. di ko na nga alam kung pano ko itatago na mahal kita. pilit kong tinatago yun para hindi ka mailang sakin. ayoko kasing mangyari yung dating nangyari sakin. ayokong lumayo ka din sakin kapag nalaman mo na may gusto ako sayo. sorry talaga kasi minsan padaan daan ako sa classroom nyo di ko sinasadya na mapadaan sa classroom nyo. inaamin ko minsan talagang sinasadya ko na dumaan sa room nyo pero hindi naman lagi minsan dun lang talaga sa daanan na yun ang dinadaanan ko. sana di ka mailang sakin pilit ko naman maging normal sa harapan mo. pinipigilan kong kiligin o ngumiti ng sobra kapag kaharap ka kung pwede nga lang umiwas na ako. kasi kesa ikaw ang umiwas ako nalang ang iiwas sayo para hanggat maaga di na ako masaktan. kaso hindi kita kayang iwasan kasi kahit gaano ko pilitin ang sarili ko di ko magawa. gagawa at gagawa ang panahon ng paraan para mag kita tayo. sorry kung yung lagi mong nakikita eh yung mukha ko. sorry kung pangit ako. sorry kung hindi ako kasing gwapo ng crush mo o ng mahal mo. sorry kung pangit ako. sorry kung tuwing makikita kita lagi akong nakatingin sayo. sorry talaga. pilit ko naman hinahanap yung ibat ibang paraan kung pano ka iwasan pero di ako makahanap kung meron akong 10 dahilan kung pano ka iwasan may 1 milyong dahilan naman kung bakit di kita maiwas iwasan. minsan nga pinipilit kong maging astig katulad ng ibang lalaki kasi sa palagay ko yun yung mga gusto ng mga babae ngayon. pinipilit ko ding mag ayos ng mukha. lahat sinusubukan ko, pinipilit kong pumorma na katulad ng taong gusto mo. pinipilit kong magsalita katulad ng taong gusto mo.  ginagaya ko yung buong pagkatao ng taong mahal mo, kasi nag babakasakali ako na kapag nagaya ko yung taong gusto mo mapansin mo din ako. baka kapag naging mag kasing katulad kami magustuhan mo din ako. pero sorry kasi di ko sya magaya. lamang sya sa tangkad, gwapo sya, pinag kakaguluhan ng mga babae. tanggap ko naman sa sarili ko na di ako kasing tangkad o kasing gwapo nya sorry talaga. kaya sa mga simpleng mga bagay nalang ako bumabawi. yung tipong kakamustahin ka araw araw. tatanungin kung naka kain ka na, kung kamusta ang araw mo. sa mga simpleng bagay ko lang naman kaya lumamang eh. kaya nga kapag napapansin mo lang ako natutuwa na ako ng sobra. kasi kahit sa simpleng bagay lang napapasaya mo ako. alam ko namang di magiging tayo eh. kasi pangit ako. pero di parin ako sumusuko. hinihintay ko yung araw na napansin mo din ako. yung tipong matutuwa ka din sa mga bagay na ginagawa ko. yun lang naman yung tangi kong hiling eh yung makita mo at mapansin yung mga munting efforts ko.
alam mo sa tuwing nakikita kong kinikilig ka sa taong mahal mo parang kong sinisigawan ng pangit ako , wala ako panama sa taong gusto mo. minsan nga ngumi ngiti nalang ako para hindi halatang nasasaktan ako. para makita ng tao na masaya ako para hindi nila ako tanungin kung ok lang ako na makita yung taong mahal ko may mahal na iba. kahit nasasaktan ako tinatago ko nalng sa sarili ko yun. kasi kahit gaano ko kalakas isigaw na nasasaktan ako. di mo parin naman ako papansinin eh. kasi di naman ako mahalaga sayo eh. isa lang ako sa mga taong kakilala mo.
gusto ko sabihin sayo sa sana ako nalang mahalin mo. handa akong mag mukang tanga, handa akong mahalin ka. wala akong pakialam kung hindi ka maganda o kahit hindi ka maputi, wala akong pakialam kasi di naman kita minahal porket maganda ka, minahal kita kung ano ka, minahal kita dahil sa ugali mo di kasi sakin mahalaga kung maganda ka o hindi. meron pa pala akong hiling sayo sana kapag naiilang ka na sakin o ayaw mo na ako makita paki sabi nalang sakin please. ako nalang yung lalayo. para hindi mo ako makitang umiiyak nakakahiya kasi kalalaki kong tao tapos iiyak ako. tsaka kung ayaw mo na ako makita sabihin mo nalang ng harapan. wag mo na iparamdam kasi masakit eh. sorry sa lahat ng bagay na ayaw mo sakin. eto na ako eh di ko na mababago kung ano ako. sana kung mabasa mo to wag ka magalit sakin gusto ko lang kasi ilabas yung nararamdaman ko. SORRY TALAGA ... pero kahit naiirita ka sakin walang magbabago MAHAL PARIN KITA

No comments:

Post a Comment