Sunday, November 17, 2013

crush, mahal na kita

pasulyap sulyap nalang.. kasi di naman kita pwedeng kausapin lagi. Nahihiya kasi ako. Hinihintay nalang kita tumingin at ngitian ako. Ang sarap sa pakiramdam pag ngumiti ka, parang langit. Pero hanggang tingin na lang ba ako?  hindi ba pwedeng mas higit pa sa crush ang turing ko sayo. Madalas akong mabasted ng nga babaeng gusto ko. Sana di mo gawin yun sakin. Sana ikaw na talaga. Sa tuwing hindi kita nakikita sobra akong nalulungkot. Parang hindi kumpleto araw. Sana may gusto ka rin sakin di naman masama ang mangarap. Uy! hindi ko na patatagalin baka kasi naiinip ka na mag basa kaya sasabihin ko na CRUSH..MAHAL NA KITA

No comments:

Post a Comment