Pano nga ba sabihin sa isang babae na mahal mo sya ? Napakahirap kasi sabihin sa babae ang mga salitang " mahal kita " o " Gusto kita " lalo na kung ang lalaki ay torpe. Kaya karamihan sa text nalang sinasabi. pero diba mas ramdam at mas seryoso pakinggan kung sa personal. Pano nga ba matatanggal ang mga hiya ng isang lalaki magbibigay ako ng ilang tips kung pano natanggal ang hiya ng isang lalaki sa babaeng mahal nila o gusto nila
1. Magpaka totoo ka lang sarili mo dahil ito ay napakahalaga sa isang babae kasi dito makikita ng isang babae kung totoo ang mga sinasabi ng isang lalaki o hindi.
2. Wag magpanggap. karamihan kasi ng lalaki ngayon ay magaling lang sa salita pero kulang naman sa gawa. Mas maganda na ipakita na lahat sa unang pagkikita kaysa naman mag panggap. madidisappoint lang ang babae pag nalaman nya ang tunay mong ugali.
3. Mag practice. paractice makes perfect nga dba, edi mag practice ka sa salamin. Kunwari kaharap mo na sya at sasabihin mo na yung mga dapat mong sabihin para pag nasa totoong sitwasyon ka na praktisado ka na.
4. at ang huli wag ka na mahiya. utang na loob naman WALANG MANGYAYARI kung tatanga ka lang at habang buhay na mahihiya. go for it baka maunahan ka pa ng iba tapos pag naagaw iiyak iyak ka dyan . iyak tawa. Kaya habang may panahon ka pa kausapin mo na ynag mahal mong babae ata sabihin sa kanya kung gano mo sya kamahal malay mo hinihintay ka lang nya.
No comments:
Post a Comment