Monday, December 2, 2013
Age doesn't matter
" age doesnt matter " yan yung mga kasabihan ng mga tao na nagkakagusto sa mas matanda sa knila o mas bata nmn sa knila. Hindi naman masama ang magmahal ng mas bata o mas matanda sayo as long as mahal ka nya at mahal mo sya. Pero bakit maraming tutol sa ganitong pag iibigan siguro naiisip nila hindi mag wowork ang ganitong relasyon dahil siguro may mga bagay na hindi maintindihan ng isa .. sa edad plang nila mag kaiba pati yung mga bagay na napagdaanan nila ay magkaiba din. Marami ang nag kakahiwalay na magkarelasyon sa dahilan na hindi masakyan ang trip ng isa yung isa, pero talaga bang mahalaga yung edad pag nagmahal ka ?. Sa panahong ito marami ang mapanghusga pati buhay ng may buhay pinakikialaman nila hindi nila alam nakakasakit na sila, pero wala naman sila magagawa kung mas matanda yung isa sa isa o mas bata dahil hindi naman porket bata ka hindi ka marunong magmahal at hindi porket matanda ka marunong kang magmahal. Hindi naman dahilan ang edad para ang isang relasyon ay mag work. Nasa tao na yun kung paano nila patatagalin at patitibayin ang kanilang relasyon. Para sakin ang kasabihan na " Age Doesnt matter " ay totoo dahil hindi mo naman nasusukat ang pag mamahal ng isang tao base sa kanilang edad. Meron ngang mga magkarelasyon na magka edad nga pero hindi nmn tumatagal. Kaya para sakin hindi hadlang ang edad. Tsaka kung mahal nyo naman ang isat isa hindi kayo papayag na may humadlang sa inyong pagmamahalan, tsaka kung mahal nyo tlg ang isat isa hindi kayo magpapadala sa mga sinasabi ng iba.
First and Last
Ikaw ba ay " NBSB "( no boyfriend since birth) or " NGSB " ( no girlfirend since birth )? Tapos bigla ka nagkaroon ng BF o GF gusto nyo ba first and last na yung una nyong GF or BF? Ang saya diba kasi alm mong may isang tao na mahal mo at mahal ka. Masasabi mo nalang sa sarili mo " sa wakas may GF/BF na ako. Ang sarap sa pakiramdam kasi alam mo na may nag aalala sayo, nagmamahal sayo, first date, first holding hands, first kiss(pag bata pa wag muna mag kiss :D). Pero tama bang sabihin o isipin na " First and Last GF/BF ko na sya " ?. Marami kasi ang nabibigla sa mga salitang binibitawan nila. Yung iba sasabihin na " ikaw lang hanggang mamatay ako " " First and Last na kita " pero hindi nmn nila napapanindigan. Masyado kasing makapangyarihan ang mga salita tumatatak ito sa taong pinag sasabihan mo nito kaya ingat sa mga salitang bibitawan nyo. Para sakin 50 50 ang opinion ko kasi ang mga salitang " First and Last " ay mabigat ..ibig sabihin handa mo syang ipaglaban at pakasalan. 50% ako na sang ayon na sabihin yung First and Last ksi kung tlgang natagpuan mo na at naramdaman mo na sya na tlg ang magpapasaya sayo habang buhay ok lang na sabihin mo na first and last na sya. Yung 50% naman ay hindi ako sang ayon lalo na kung ang magkarelasyon ay nsa teenage stage pa. Kasi madami pa silang kailangan malaman o natutunan para msabi nila na first and last. Ang payo ko lang sa mga first timers na nagkaroon ng GF/BF wag nyong madaliin yung sarili nyo na mag settle down agad kasi madami pa kayong makikilala. Just enjoy your company with each other, go with the flow lang kasi kung kayo nmn talaga para sa isat isa gagawa at gagawa ng paraan ang panahon na magkatuluyan kayo kahit ano pa yang mangyari sa inyo kung kayo kayo. Pero kung hindi talaga kayo tanggapin nyo ito ng maluwag sa inyong damdamin siguro may makikilala pa kayong mas mag mamahal sa inyo at mas tatanggap sa inyo.
Saturday, November 30, 2013
Napag iwanan
Ang sarap magmahal noh? ang sarap din mahalin? pero paano kung sa mga kaibigan mo napag iwanan ka na? Yung dating niloloko nyo ng " AHHH!! BASTED " ay ngayon ang mayroong GF na. Nakakatawang isipin na dati kayo ang nang iinis ngayon kayo na ang iniinis. Sa kabilang banda nakakainggit din kasi buti pa sya meron na samantala ako wala parin. Naniniwala ako sa kasabihang lahat ng tao ay may nakalaan na taong mamahalin mo at mamahalin ka. Nakakainggit sa tuwing nakatambay kayo sa bahay ng kaibigan nyo lagi nyo nlang nkikita yung kaibigan nyo nakaakbay sa gf nya o di kaya ang sweet sweet nila holding hands pa. Yun yung mga bagay na nakakainggit. Ewan ko ba kung bkit ako naiingit, alam ko nmn masama ang maiingit pero bakit nararamdaman ko parin?. Minsan nga iniisip ko nalang siguro may kailangan pa akong matutunan kya hindi ko pa mahanap ang babaeng para sakin. Hindi nmn ako nagmamadali eh. Kung may magmahal sakin thank you, pag wala thank you din. Di ako desperado na magkaroon ng karelasyon, kung wala tlgang magmamahal sakin ok lang din ksi tanggap ko nmn yun. Hindi ako takot na tumandang binata, naniniwala ksi ako na ang pagmamahal ay hindi hinahanap kusa nlang itong mararamdaman at pag naramdaman ito wag ng sayangin ang pagkakataon dahil minsan lang dumating ang mga bagay na ito at para hindi ito pag sisihan sa huli.
First day of School
First day of school .. may baon na ulit. yes!!! sleepless nights, full of projects and assignments pero ok lang kasi makikita ko nanaman si crush .. ilang lang yan sa mga salitang binabanggit ng mga estudyante kapag nalalapit na ang unang araw ng pasukan. Isa rin ako sa mga nag sasabi ng mga salitang ito. Ngayon ay ibabahagi ko ang aking karanasan ngayong nakalipas na unang araw ng pasukan. Bago pa lamang mag pasukan meron ako nakilala na isang babae sa FB page ng school namin na para sa estudyante. Nagpost sya tapos ayun!!! nag hahanap sya ng ka course nya at dahil sinuswerte ako kagaya ko sya ng course pero sya 1st year ako naman 3rd year na. So ayun sinagot ko naman yung tanong nya at dali dali ko syang inad as a friend at inaccept naman nya. Nag ka chat kami hanggang dumating na ang unang araw ng pasukan. Unang ko syang hinanap sa school at nakita ko naman sya pero sa totoo lang ayoko na makita nya ako kasi nahihiya ako. ang aming course ay nagkaroon ng assembly parang meeting yun ng buong department namin. Kinakabahan ako ng araw na yun kasi makikita na nya ako at ang unang activity ay magpapakilala at dapat daw sa hindi ka year level.Sabi ko sa sarili ko wala naman mangyayari kung mahihiya lang ako at mag papanggap na hindi ko sya kilala kaya ayun nagpakilala na ako at nagpakilala na sya. lagi na pala nya ako nakikita at mas naging maganda pa ang araw na yun dahil kami ay mag kagrupo sa mga activities na nangyari ng araw na yun. Ngayon ay nag babatian na kami pag nagkaka salubong kami sa school.
Wednesday, November 20, 2013
Tanggalin ang Hiya
Pano nga ba sabihin sa isang babae na mahal mo sya ? Napakahirap kasi sabihin sa babae ang mga salitang " mahal kita " o " Gusto kita " lalo na kung ang lalaki ay torpe. Kaya karamihan sa text nalang sinasabi. pero diba mas ramdam at mas seryoso pakinggan kung sa personal. Pano nga ba matatanggal ang mga hiya ng isang lalaki magbibigay ako ng ilang tips kung pano natanggal ang hiya ng isang lalaki sa babaeng mahal nila o gusto nila 1. Magpaka totoo ka lang sarili mo dahil ito ay napakahalaga sa isang babae kasi dito makikita ng isang babae kung totoo ang mga sinasabi ng isang lalaki o hindi. 2. Wag magpanggap. karamihan kasi ng lalaki ngayon ay magaling lang sa salita pero kulang naman sa gawa. Mas maganda na ipakita na lahat sa unang pagkikita kaysa naman mag panggap. madidisappoint lang ang babae pag nalaman nya ang tunay mong ugali. 3. Mag practice. paractice makes perfect nga dba, edi mag practice ka sa salamin. Kunwari kaharap mo na sya at sasabihin mo na yung mga dapat mong sabihin para pag nasa totoong sitwasyon ka na praktisado ka na. 4. at ang huli wag ka na mahiya. utang na loob naman WALANG MANGYAYARI kung tatanga ka lang at habang buhay na mahihiya. go for it baka maunahan ka pa ng iba tapos pag naagaw iiyak iyak ka dyan . iyak tawa. Kaya habang may panahon ka pa kausapin mo na ynag mahal mong babae ata sabihin sa kanya kung gano mo sya kamahal malay mo hinihintay ka lang nya.
Sunday, November 17, 2013
Friendship or Love
ang sarap nga naman ng feeling na may gusto ka tao yung tipong gusto mo lagi mo sayng nakikita, nakakausap nakakachat. Tapos kapag papalapit na sya sayo parang gusto mo bumagal ang oras para tumagal ang pag tingin mo sa kanya. Ang sarap mainlove no!!!. Sabi nga nila bigla nalang dumadating ang pag ibig hindi mo alam kung paano kailan o sino ang mamahalin mo pero paano kung mainlove ka sa close friend mo ?. Napakahirap ng ganung pakiramdam madami kang kailangan isakripisyo at ang pinaka mahirap isakripisyo ay ang " FRIENDSHIP ". Napaka hirap isakripisyo ng friendship dahil kapag ang friendship kasi ang nawala ang hirap na ibalik. Ano ba talaga ng mas mahalaga ang friendship o ang love?. Isa ito sa mga tanong ng mga taong umiibig, napakahirap sagutin ng tanong na yan dahil ang tanong na yan ay nakadepende parin sa tao. Ako mismo sa mga oras na ito ay nagtatanong sa isip ko kung ano nga ba ang mas mahalaga. Meron kasi akong kaibigan laging nakakachat, nakakausap, nakakatext basta kapag nagkikita kami nag babatian kami at habang lumilipas ang araw mas lalo akong napapamahal sa kanya. Kahit na hindi kami mag ka year iba parin ang nararamdaman ko sa kanya. Nagtanong nga yung isa naming prof sa major subj kung sino daw ang gusto ko ligawan/ may nililigawan na daw ba ako agad kong sinabi ang pangalan ng kaibigan ko. at tinanong nila ako bakit daw di ko pa ligawan ang sabi ko . " NATATAKOT AKO BAKA MAWALA YUNG FRIENDSHIP " . Ako mismo ay nakakaramdam ng takot na bka mwala yung kung ano meron kami ngayon. Pero merong sinabi sakin ang aking bestfriend na hindi makakalimutan " KUNG LAGI MONG IISIPIN ANG FRIENDSHIP SASAYA KA PA KAYA? " tumatak ang mga salitang ito sakin at napaisip ako na bakit di nga subukan na ligawan yung girl. at dahil dun narealized ko na dapat matuto din akong maging risk taker. May mga bagay sa mundo na dapat mong harapin ng walang takot dahil sa huli kung ito ay mapag tagumpayan mo ito ay magdudulot ng kasiyahan sayo.
crush, mahal na kita
pasulyap sulyap nalang.. kasi di naman kita pwedeng kausapin lagi. Nahihiya kasi ako. Hinihintay nalang kita tumingin at ngitian ako. Ang sarap sa pakiramdam pag ngumiti ka, parang langit. Pero hanggang tingin na lang ba ako? hindi ba pwedeng mas higit pa sa crush ang turing ko sayo. Madalas akong mabasted ng nga babaeng gusto ko. Sana di mo gawin yun sakin. Sana ikaw na talaga. Sa tuwing hindi kita nakikita sobra akong nalulungkot. Parang hindi kumpleto araw. Sana may gusto ka rin sakin di naman masama ang mangarap. Uy! hindi ko na patatagalin baka kasi naiinip ka na mag basa kaya sasabihin ko na CRUSH..MAHAL NA KITA
Sorry, mahal kita
sorry kung lagi akong papansin. sorry kung lagi akong nakakairita. sorry kung lagi akong mukhang tanga. sorry kung inaasar ka ng classmates mo sakin. sorry kung lagi kang inaasar ng mga classmates ko na may gusto daw ako sayo. sorry talaga di ko naman sinasadya na ganun ang mangyari. di ko kasi mapigilan yung mga classmates ko sa pang aasar sakin. di ko na nga alam kung pano ko itatago na mahal kita. pilit kong tinatago yun para hindi ka mailang sakin. ayoko kasing mangyari yung dating nangyari sakin. ayokong lumayo ka din sakin kapag nalaman mo na may gusto ako sayo. sorry talaga kasi minsan padaan daan ako sa classroom nyo di ko sinasadya na mapadaan sa classroom nyo. inaamin ko minsan talagang sinasadya ko na dumaan sa room nyo pero hindi naman lagi minsan dun lang talaga sa daanan na yun ang dinadaanan ko. sana di ka mailang sakin pilit ko naman maging normal sa harapan mo. pinipigilan kong kiligin o ngumiti ng sobra kapag kaharap ka kung pwede nga lang umiwas na ako. kasi kesa ikaw ang umiwas ako nalang ang iiwas sayo para hanggat maaga di na ako masaktan. kaso hindi kita kayang iwasan kasi kahit gaano ko pilitin ang sarili ko di ko magawa. gagawa at gagawa ang panahon ng paraan para mag kita tayo. sorry kung yung lagi mong nakikita eh yung mukha ko. sorry kung pangit ako. sorry kung hindi ako kasing gwapo ng crush mo o ng mahal mo. sorry kung pangit ako. sorry kung tuwing makikita kita lagi akong nakatingin sayo. sorry talaga. pilit ko naman hinahanap yung ibat ibang paraan kung pano ka iwasan pero di ako makahanap kung meron akong 10 dahilan kung pano ka iwasan may 1 milyong dahilan naman kung bakit di kita maiwas iwasan. minsan nga pinipilit kong maging astig katulad ng ibang lalaki kasi sa palagay ko yun yung mga gusto ng mga babae ngayon. pinipilit ko ding mag ayos ng mukha. lahat sinusubukan ko, pinipilit kong pumorma na katulad ng taong gusto mo. pinipilit kong magsalita katulad ng taong gusto mo. ginagaya ko yung buong pagkatao ng taong mahal mo, kasi nag babakasakali ako na kapag nagaya ko yung taong gusto mo mapansin mo din ako. baka kapag naging mag kasing katulad kami magustuhan mo din ako. pero sorry kasi di ko sya magaya. lamang sya sa tangkad, gwapo sya, pinag kakaguluhan ng mga babae. tanggap ko naman sa sarili ko na di ako kasing tangkad o kasing gwapo nya sorry talaga. kaya sa mga simpleng mga bagay nalang ako bumabawi. yung tipong kakamustahin ka araw araw. tatanungin kung naka kain ka na, kung kamusta ang araw mo. sa mga simpleng bagay ko lang naman kaya lumamang eh. kaya nga kapag napapansin mo lang ako natutuwa na ako ng sobra. kasi kahit sa simpleng bagay lang napapasaya mo ako. alam ko namang di magiging tayo eh. kasi pangit ako. pero di parin ako sumusuko. hinihintay ko yung araw na napansin mo din ako. yung tipong matutuwa ka din sa mga bagay na ginagawa ko. yun lang naman yung tangi kong hiling eh yung makita mo at mapansin yung mga munting efforts ko.
alam mo sa tuwing nakikita kong kinikilig ka sa taong mahal mo parang kong sinisigawan ng pangit ako , wala ako panama sa taong gusto mo. minsan nga ngumi ngiti nalang ako para hindi halatang nasasaktan ako. para makita ng tao na masaya ako para hindi nila ako tanungin kung ok lang ako na makita yung taong mahal ko may mahal na iba. kahit nasasaktan ako tinatago ko nalng sa sarili ko yun. kasi kahit gaano ko kalakas isigaw na nasasaktan ako. di mo parin naman ako papansinin eh. kasi di naman ako mahalaga sayo eh. isa lang ako sa mga taong kakilala mo.
gusto ko sabihin sayo sa sana ako nalang mahalin mo. handa akong mag mukang tanga, handa akong mahalin ka. wala akong pakialam kung hindi ka maganda o kahit hindi ka maputi, wala akong pakialam kasi di naman kita minahal porket maganda ka, minahal kita kung ano ka, minahal kita dahil sa ugali mo di kasi sakin mahalaga kung maganda ka o hindi. meron pa pala akong hiling sayo sana kapag naiilang ka na sakin o ayaw mo na ako makita paki sabi nalang sakin please. ako nalang yung lalayo. para hindi mo ako makitang umiiyak nakakahiya kasi kalalaki kong tao tapos iiyak ako. tsaka kung ayaw mo na ako makita sabihin mo nalang ng harapan. wag mo na iparamdam kasi masakit eh. sorry sa lahat ng bagay na ayaw mo sakin. eto na ako eh di ko na mababago kung ano ako. sana kung mabasa mo to wag ka magalit sakin gusto ko lang kasi ilabas yung nararamdaman ko. SORRY TALAGA ... pero kahit naiirita ka sakin walang magbabago MAHAL PARIN KITA
Thursday, June 27, 2013
tanggalin ang hiya
Pano nga ba sabihin sa isang babae na mahal mo sya ? Napakahirap kasi sabihin sa babae ang mga salitang " mahal kita " o " Gusto kita " lalo na kung ang lalaki ay torpe. Kaya karamihan sa text nalang sinasabi. pero diba mas ramdam at mas seryoso pakinggan kung sa personal. Pano nga ba matatanggal ang mga hiya ng isang lalaki magbibigay ako ng ilang tips kung pano natanggal ang hiya ng isang lalaki sa babaeng mahal nila o gusto nila
1. Magpaka totoo ka lang sarili mo dahil ito ay napakahalaga sa isang babae kasi dito makikita ng isang babae kung totoo ang mga sinasabi ng isang lalaki o hindi.
2. Wag magpanggap. karamihan kasi ng lalaki ngayon ay magaling lang sa salita pero kulang naman sa gawa. Mas maganda na ipakita na lahat sa unang pagkikita kaysa naman mag panggap. madidisappoint lang ang babae pag nalaman nya ang tunay mong ugali.
3. Mag practice. paractice makes perfect nga dba, edi mag practice ka sa salamin. Kunwari kaharap mo na sya at sasabihin mo na yung mga dapat mong sabihin para pag nasa totoong sitwasyon ka na praktisado ka na.
4. at ang huli wag ka na mahiya. utang na loob naman WALANG MANGYAYARI kung tatanga ka lang at habang buhay na mahihiya. go for it baka maunahan ka pa ng iba tapos pag naagaw iiyak iyak ka dyan . iyak tawa. Kaya habang may panahon ka pa kausapin mo na ynag mahal mong babae ata sabihin sa kanya kung gano mo sya kamahal malay mo hinihintay ka lang nya.
Subscribe to:
Posts (Atom)